Isa-isahin niyo ito at kapag natawa kayo, nangiti, may naalala, SYURBOL akong batang 90’s ka!
1. Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa.
2. May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.
3. Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.
4. Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.
5. Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.
6. Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.
7. Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.
8. Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay.
9. Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.
10. Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.
11. Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.
12. Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. (si Jolina ang nagpauso nito)
13. Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket.
14. Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.
15. May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.
16. Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.
17. Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.
18. Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.
19. Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.
20. Sinasabi mo sa kaklase mo na “Liars go to hell” kapag tingin mo nagsisinungaling sya. ”Cross my heart, hope to die” kapag nangangako ka. “Period no erase” kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na “Akin yung factory ng pambura”.
21. Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side taposmaraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.
22. Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista
23. Sa coleman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.
24. Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.
25. Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.
26. Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.
27. Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo.
28. Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.
29. Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: “Natatawa ako, hi hi hi hi”, “Anong paki mo sa long hair ko”, “Dahil sa bawal na gamot”, “Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko”.
30. Isa dito ay theme song mo: “I Swear” by All 4 One, “What’s Up” by 4 Non Blondes (Andsay, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What’s goin on!), “Zombie” by Cranberries.
31. Sumasayaw ka ng Macarena.
32. Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila.
33. Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.
34. Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.
35. Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.
36. Kinakanta nyo dati sa school yung “Heal the World”, “Tell the World of His Love”, “Jubilee Song”, etc.
37. Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.
38. Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.
39. Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.
40. Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: ”Tato ni Ara Mina malaking cobra…”, “Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta…”, ”…Kontra Bulate!”
41. Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: “Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman… Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman..”
42. Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats.
43. Alam mo din yung “Ang Pulubi at ang Prinsesa” with Camille Prats and Angelica Panganiban.
44. Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.
45. Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.
46. Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na “ATBP.”: Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu… labingisa-labingdalawa… labingtatlo… labingapat-labinglima…
47. Napanood mo ang Batang X.
48. Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar.
49. Nanonood ka ng kahit alin dito: “Okay Ka Fairy Ko”, “Oki Doki Doc”, “Abangan ang Susunod na Kabanata”, “Palibhasa Lalake”, “Ober da Bakod”, at “Home Along Da Riles”.
50. Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara.
51. Pinanood mo din yung “Villa Quintana”, “Esperanza”, “Anakarenina” atbp.
52. Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.
53. Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: “Dear diary, Carlo sat beside me today. He’s so cute! Sabi niya I’m pretty kaya lang I’m fat.”
54. Kinakanta mo yung “Thank God it’s Sabado, pati na rin Linggo…” at “Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy”.
55. Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.
56. Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology.
57. Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.
58. Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.
59. Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na “Goodbye, England’s Rose.”
60. Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay.
61. Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha. :)
No comments:
Post a Comment