Tuesday, July 24, 2012

Nostalgia Series: Pambatang Palabas Noong Dekada 90


SABI ni Bob Ong sa isa niyang libro, kapag pinagmamalaki mo na raw ang henerasyon nyo noong mga bata pa kayo eh ibig sabihin tumatanda ka na. Sa tingin ko totoo nga talaga, ang bilis ng panahon kung sisimulan mong isipin ang noon. Kasabay ng mabilis na pagtakbo ng oras ay ang mas mabilis na pagsulong ng teknolohiya ng ating panahon. Noon, uso pa ang “poor kids vice”, hindi mahirap at masayang  pustahan, maingay ang kalsada dahil sa mga kabataaan na nagkukumpulan; “I-sa, Da-lawa, Tat-lo, A-pat, Li-ma, TSA!” ani ng mga bata noon na may labin-isang tex sa kamay. Dati din usong-uso pa ang matagal nating panunuod ng mga oldies na animes at manghang-mangha nga tayo sa mga SUPERHEROES natin na nakamaskara, may kulay, may tatoo, umiilaw ang mata, nakamotor o nakakotse at lumilipad, may kumiskilap ang ilaw sa dibdib kapag lowbat na ang power niya at mala-atomic bomb ang pagsabog kapag namatay na yung kalaban.
…Naalala mo pa kaya ang ilan sa mga ito? Heto at napagtripan kong gumawa ng listahan ng mga palabas at ang mga natatangi nilang signatures habang kumakaen ng ENTENG the dragon cheese curls.
  • Maskman – naalala mo pa si OKIRAMPA? yung mukhang gagambang halimaw na palaging tinatawag ng mga kalaban para palakihin ung halimaw na natalo. *Hindi na-ere sa Tv ang finale nito pero available sa Youtube.
  • Bio-Man – si Peebo ba bading o babae? english ang language na ginamit noon kaya sa action na lang ako nagababase para maintindihan ang kwento nito.
  • Voltes V -  Bakit nag-aaway palagi si Steve at si Mark? Ang kanilang robot na may electromagnetic top, voltes bazooka, chain knuckle, gatling missiles, grand fire, electromagnetic ball at laser sword.
  • Koseidon – “Paytus bomber. jump!” may eeject na hero mula sa isang kanyon…”KOOOSEIDOON!” naalala ko din si Kapitan Maku. hehehe.
  • Ultraman -  sa channel 2 ang palabas nito; nauna ang Ultraman sumunod ang Utlraman Ace. Channel 7 na ang sumunod na Ultraman Tiga at Dyna, sa ngayon ay channel 23 tanging meron ultraman tuwing tanghali, Ultraman Max pero hindi na ito hit sa panahong ito.)
  • Machine Man - Seiun Kamen Machineman, Si Nick at si Boknoy ang pangalan ng robot niyang isang bola ng baseball, the Fighting Ball kung tawagin dati.
  • Super Human Samurai - sa loob ng computer ang labanan nila, sisirain lahat ng piyesa ng halimaw ang loob ng computer, may healing power naman ang bida that will restore anything that damaged or destroyed components after nilang maglaban. Sa channel 5 din yan.
  • “INDIAN PANA KAKANA-KANA! Tatlong itlog kakalog-kalog!” - Ito ung phrase na ewan ko kung san galing, pero ito yung usong expression noon ng mga bata. Minsang hinabol ng isang puto vendor ang isang tambay dito samin ng sabihan siya nito sa tapat ng bahay namin. Ewan ko kung paano sila nagkaintindihan ng vendor.
  • Tex ng pelikula - noong uso pa ang tex, naabutan ko pa yung mga last batch na nakapaglaro nito. Ito yung tipong buong pelikula eh nasa tex with matching script pa, “Tanda! tapusin na natin ang laban!”
  • Ghost Fighter - naging sikat ang kuya ko sa school namin nung elementary until high school dahil kapangalan niya yung bida sa anime na ‘to. Yuyu Hakosho in japanese, well I remenber  na umaabot sa school, classroom, sa classmates ang episode na napanuod nila kagabi. May movie din tong maaksyon at tagalize, nakornihan lang ako nung sumigaw si Alfred bandang climax ng pelikula “MABUHAY ANG GHOST FIGHTER!” ala katipunero?
  • Zenki -  isa to sa mga inaabangan naming mgakakapatid tuwing hapon, “palakol ni Zeeeeba!”; cute si Cherry at ang kanyang miniskirt…Si Kasuhe o Kasuwe(?) ung spirit detective nila na kelangan hilain yung pisi ng baril para umikot yung DVD para magkabala at siya din ang huling biktima ng binhi ng kadiliman. Si Taro at si APO JOKAY, parehong ma-L sa kwento, first episode pa lang.
  • BTX to BTX Neo - Si Teppei Takamiya at ang kanyang messiah fist na gawa ni Karen na may kapirasong laman ni Rafaelo, ang higanteng carnivore. Dramatic ang ending nito, lahat ata namatay eh at si Karin (kapatid ni Karen) ang nagkwento sa mga bata ng pangyayari. Idol ko si MetalFace.
  • Flame of Recca - hindi ko to trip although halos the same lang ng story ng Ghost Fighter, emo lang talaga si Kurei at napagtripang gawing apoy ang GF nya.
  • Trapp Family Singer - Si Maria at ang Trapp Family.  Maganda ito tapos yung pinakahuling part nun ay patakas na sila sa Ausrtia dahil sinasakop na ito ng Germany during World War II. Lumapit ang mayor-domo ng pamilyang Trapp na maka-NAZI, “Ang Austria ay magiging parte ng Alemanya!” galit na sumagot si Baron Georg “hindi totoo yan!”
  • Georgie  – “Nang makita ko ang larawan mo ay muling nagbalik sa’kin ang lahat…” ang unang linya ng kanta sa opening, hindi ko to pinanuod, boring at too matured and tema ng anime na to. May nude scenes pang bonus.
  • BLINK – Pinagtatalunan namin ng Bestfriend ko kung ano ba talaga ang tamang opening ng blink, dahil nga may umaapela na iba daw ang opening na available sa Youtube. Duwag si Takero at kelangan ng tapang palage mula kay Blink. Until he got awake and he know that everything is a dream.
  • Remy (boy version) at Remy (girl version) – Eto yung isa sa mga pinaka the best na anime in 90′s, first aired ang boy version na Remy na halos konti lang ang nakaka-alala. Mas dramatic ito kesa sa girl version especially nung inatake ng mga lobo yung alaga nilang mga aso, kung san namatay ung aso nilang poodle na babae at yung isang matapang na aso, I forgot his name and breed. Sa girl naman na Remy, sumikat ang kanyang kanta, “Aking ina, mahal kong ina, pagmamahal mo aking ina, yakap mo sa akin. hinahanap ko, init ng pag-ibig, kumot ng bunso. Sa gitna ng pagkakakahimbing, yakap mo ang gigising.”
  • Mga Munting Pangrap ni Romeo – Well, it reminds me of the song about their brotherhood. “ITIM NA MAGKAKAPATID” at yung kanilang hymn nung kinanta nila in the wake of their original leader, si Alfred. Ang alaga niyang si picolo na mahilig sa keso. Si Luini ang nagbebenta ng bata, si Angelita na may sakit at si Bianca na naging asawa ni Romeo sa huli at ang pamilyang ROSS.
  • Cedie – One of the most interesting bout Cedie is his voice: try to say “LOLO” na may pilantik sa boses. And his favorite piece while playing flute, ang “Annie Laurie.”
  • Shaider – saken hindi ko masyado to napanood but naabutan ko ito, paborito ito ng medyo older ng konti saten. Pinaka-aabangan daw kasi nila kapag sinalakay na si Annie, wearing her mini-shirt for the whole series then she’ll kick very high so boys stares at her legs and…uhm…
  • Masked Rider Black – well i love the opening theme of this. Ganda talaga! Robert Akitsuki ang bida,  “Rider Change!” kapatid ba niya si Rider X/Metal X?
  • The Adventure of Tom Sawyer – sa channel 2 tuwing umaga, this is cool, lalo na yung pinatay ni Indian Joe ung doctor at itinurong salarin si Mang Mop Potter. Courageous Tom, napatakbo bigla si Indian Joe dahil pinagsisigawan ni Tom na siya ang salarin.
Ang huli nating mga laro ng patintero, piko, tumbang preso, jolens, trumpo, chinese garter, mata-mataya, black 123 (brutal na laro ito), kalog (tansan), tatsing (yung marvel hero na flat at lalagyan ng tanso at thumbstacks para maging pektus daw at the best si Flash na pamato), plastic ng kendi na nagiging pera, presyuhan ng mga laruan depende sa ganda at lambot (200 kapag maliit at goma) or trade na kapareho ng value ng kalaruan na trip mo sa kalaro mo.
Ang mga nabanggit ko ay ilan lamang sa mga huling kultura ng mga batang pinoy bago pa maubos ang oras sa computer games na nauso na ng late 90′s at early 2000′s at hanggang ngayon. Hindi na din ganun sila kahilig manunuod sa TV kundi sa monitor na ng PC at pumapatay ng mga zombie sa kanilang bakuran o binabaril ang kalaban sa ‘sniping area’. Talagang iba na ang mundo ng mga kabataan ngayon, malayong malayo sa mundo natin noon, hindi na din ganun kahirap mag-aral dahil isang click lang makukuha mo lahat ng dapat mong malaman. By the way, this is not to urge to restore the past but just to keep it… na minsan, naging bata din tayo at sa darating na panahon ay may maikukuwento ka din sa mga sususunod pang henerasyon. Laos na ang generation X, Y at Z at ang panahon na lang ang makapagsasabi kung anong uri na ng mundo ang para sa mga kabataan ngayon.

No comments:

Post a Comment